powered by: MEP d'thug artist
go to my homepage
CONTINUE

Monday, December 26, 2011

MAHAL MO PA NGA BA?


  • May mga oras na nalilito ka na kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman mo sa isang tao. Kung totoo bang mahal mo pa siya o hindi na. Kung nami-miss mo ba siya dahil mahal mo siya o nami-miss mo lang siya dahil nakasanayan mo nang andyan siya palagi? Talagang mahirap nga siguro kung nasa ganyan kang sitwasyon. Lalong-lalo na kung hindi naman kayo ganun ka-open sa mga nararamdaman niyo para sa isa`t-isa. Yung tipong nagtatampo ka na, pero pag tinanong ka niya kung may problema ba, sasabihin mong wala. Wala nga ba? Sinasabi mong wala pero ang cold mo naman sa kanya. Sasabihin mong walang problema pero iba naman yung pakikitungo mo sa kanya. Kahit naman siguro sino mapapansin yung pag-iba nung pakikitungo mo sa kanya. Lalong-lalo na kapag bigla ka na lang hindi namamansin o bigla ka na lang nagiging cold. Bigla na lang tumitipid yung mga text mo.

    Pero paano mo nga ba malalaman kung mahal mo pa siya? Kapag nasasaktan ka pa rin kapag may mga away o hindi kayo pagkakaintindihan. O kaya naman kapag simpleng away lang, umiiyak ka na. Konting tampuhan lang, naiiyak ka na. Kapag hindi ka lang nakatanggap ng text o tawag mula sa kanya, magtatampo ka na. Kapag pangalan niya pa rin ang gusto mong makita kapag may natanggap kang text.
    Pero kung wala ka nang pakialam kung magtext man siya o hindi, o kaya naman namimiss mo nga siya pero di mo na inaasahang magpaparamdam pa siya sayo o hindi na. Kapag nakakatulog ka na ng mahimbing ng hindi siya katext o kausap. Kapag masaya ka kasama ang barkada mo na hindi mo na siya minsan naiisip o naaalalang itext para ipaalam kung ano ginagawa mo o kung sino mga kasama mo o kung may pupuntahan ka, ibang usapan na yan.

0 comments:

Post a Comment

SEE OLDER POSTS

 

eazymepz Blog Designed by mark eric serino paala | MgaEpal.com. kindly check my FB page mepthugz d'thug artist. and chat with me on MgaEpal.com community lounge. © 2011

Blogger Widgets